Friday, February 16, 2007

bakit friday na friday nagiging senti ako?

miss ko na mag-tagalog!!!!!  nami-miss kong magsalita ng tagalog mula umaga hanggang gabi.  at kahit papagalitan ako ng asawa ko pag nabasa nya to, aaminin ko na ring miss ko na ang mag-mura sa tagalog. 


singit na kwento: isa sa mga bad habits ko ay ang pagmumura, although hindi halata dahil
tactful naman ako sa pagsasalita ko at refined naman ako madalas (hehehe).  nakakapagmura lang ako pag nae-excite, nagugulat, natataranta o nagagalit.   pero kamakailan lang (about 4 hours ago), mariin akong pinagbawalan ng asawa ko na magmura at seryoso pa nya akong pinag-promise.  nag-overseas call pa sya para pagbawalan
ako kaya naman mega-promise na ako.  sayang naman ang bayad sa long distance call ng pobre kung di ko susundin diba? at di pa natapos dun. pagbaba ng telepono, maya-maya lang ay nag-text pa para ipaalala ang promise na ginawa ko.  di rin sya makulit no?


anyway, mabalik tayo sa emote ko...kung alam ko lang na mami-miss ko ang pagta-tagalog ngayong nandito na ako,  dumaldal na sana ako ng husto nung nasa pilipinas ako.  dumaldal
na sana ako hanggang sa mawalan ako ng boses.


natatandaan ko tuloy na nung dumating ako sa pinas, yung iba kong kaibigan,  hinihintay nila akong magsalita ng ingles kasi gusto nilang malaman kung may aussie accent na daw ako.  ang iba pa nga, nagpa-sample pa. pero ang sabi ko, wag na.  ang accent na hinihintay nilang marinig ay kusang lumalabas lalo na kung ang kausap ko ay taga-aussie rin.  kahit sa mga pinsan kong taga-aussie at america, naging filipino accent ang english ko.  kasi feel na feel ko kasi na nasa pilipinas ako.  at feel na feel ko na ako lang ang super-duper filipino sa aming magpipinsan.  at proud ako dyan :)


-o0o-


mga bagay na hindi ko nagawa nang magbakasyon sa pilipinas:
- kumain sa bizu
- kumain sa cheesecake, etc.
- magpunta sa enchanted kingdom
- makipag-reunion sa mga barkada ko sa Greenheights
- kumain madalas sa mcdo, kfc at jollibee
- kumain sa goldilocks
- makapaglaro ng badminton
- makapunta sa baywalk at malate area (i miss cafe adriatico)
- makapunta sa monasterio ni sta.clara
- makabili ng postcards ng manila, boracay at cebu
- magpunta sa embassy o absinthe---o kahit saang bar :(
- gumimik sa timog o tomas morato,  hanggang cubao lang ang inabot ko
- makita si marga na anak ni teng na inaanak ni chris
- makita si ponkie na anak ni vince na inaanak ko
- makita si gab na anak ni armi na inaanak ko
- bumili ng cocktail dresse(s) sa petit monde (ang daming magaganda!)
- ipagluto ng spaghetti si chris
- makapag-gym kahit isang beses lang
- mag-lunch sa Circles, Makati Shangri-la
- mag-dinner sa Prince of Jaipur
- kumain sa tapa king
- kumain ng chicharon ng lapids
- magtipid (hehehe)


-o0o-


mga nami-miss ko ngayon na nandito na uli ako:
- nanay at tatay ko syempre
- mga "hane" ko, mga kaibigan, kabarkada, ka-gimikan
- wedding team ko na naging kaibigan ko na rin
- mga alaga naming aso na si twinkle at kyla--na parang kapatid na ang turing ko
- pagsasalita ng tagalog
- magsalita na parang bading (nasal, sa ilong ang labas ng salita)
- starbucks
- coffee bean and tea leaf
- adobo ng nanay ko
- mga text messages (sa pinas ang daming nagte-text sa akin)
- max brenner (hindi maganda ang max brenner dito)
- cheeseburger mcdo, jollibee chickenjoy at hot 'n crispy ng kfc
- tapsilog
- boracay!!!!!
- mga pinsan ko na sana ay parati na lang kaming magkakasama                                         - makati (i love makati)
- iced tea
- green mango juice
- max's lumpiang prito
- polvoron
- pagiging accessible ng mga salon at spa
- shopping!!!!!
- pagiging accessible sa kahit anong lugar dahil may taxi, jeep, bus, mrt, lrt, tricycle  at de-padyak
- fishballs at samalamig, taho, sisig, manggang hilaw
- shakey's pizza
- kumuha ng litrato (hanggang ngayon di pa rin ako humahawak ng camera)


at para sa grand finale, siyempre miss ko ang asawa ko.


-o0o-


marami pa akong gustong isulat, gustong ikwento.  gusto kong ibahagi ang mga preparasyon namin para mabuo ng aming wedding at mga nangyari nung wedding, ang honeymoon, at mga hindi namin makakalimutang moments nung bakasyon namin sa pinas.  sasamahan ko pa ito ng mga pictures.


sa isang linggo, sisimulan ko yan isa-isa.  sana masubaybayan nyo (lalo na ng mga kaibigan ko) ang mga kwento ko.


grabe, marami-rami rin yun talaga ha?  pero dahil gusto kong ma-share sa inyo gagawin ko.



panghuli: sa mga pinsan kong gustong makabasa nitong entry na ito, maghanap
na lang kayo ng pinoy na pwedeng magbasa at mag-translate para sa inyo.


-o0o-


biyernes na uli!  ang bilis din ng isang linggo (lalo na kung busy).  bukas, one week na pala ako dito sa sydney.    thank god i was able to survive my first week back (sorry
hirap tagalugin eh).  one of these days, the sun will shine brighter again for me.


 


Comments:
Baket kapa bibili ng postcard ng boracay.. Eh pwede mo naman puntahan..



Tanya Gemarin
 
Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]